Sunday, September 12, 2010

Thank You Wifey...

July 13, 2010 sinundo mo ko sa Gloria Jeans, dito nag start lahat ng magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Dun kita nakita, totoo ka pala. Bumabagyo, ang lakas ng hangin at ulan. Hinatid mo ako sa bahay. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sayo nun. Para akong nakajackpot. Ang dating boring na buhay ko, biglang naging makulay. nag-usap tayo sa bahay, nag brownout, umuwi ka na. Di naputol dun ang kwento natin. Nagtuloy tuloy ang pagkikita, ang pagsasama. Parang lahat ng oras ang ganda. Ang gaan. Ang saya. Di ko maexplain. Nangingiti na lang ako pag naiisip kita. Sa bawat pag ring ng cellphone ko. Ikaw ang pinapanalangin ko na sana makausap ko. Ang sarap ng pakiramdam. Pinadama mo ulit sakin ang pahalagahan. Ang ingatan. Ang mahalin. Ang sweet mo nga eh. Ang feelings ko sayo na pinipigilan ko, di nagtagal nasabi ko sayo. Alam mo, yun ang oras sa buhay ko na gusto ko balik balikan. Kung pwede lang sana i rewind, dun ako magsisimula. nung sinabi mo sakin... "I love you too..".

Tumagal ang pagsasama natin. Sa bawat sandali na magkahiwalay tayo, sobrang namimiss kita agad. At sabi mo sakin, ganun ka din. Ikaw ang naging laman ng facebook ko, ang cellphone ko, ng bukambibig ko. Palagi ko dinadasal sa dyos, "God alam ko pahiram mo lang sya sakin, salamat. Pero kung ok lang sayo, gusto ko matagal ko muna sya hiramin..". Pag nagsisimba ako, palagi ko sinasabi sa kanya sana maging maganda ang career mo. Napromote ka. And sobrang proud naman ako sayo. Bawat oras na magkasama tayo. May mga natutuklasan ako sayo. Maganda man or pangit, lahat yun ginusto ko kasi yun ka. Minahal kita dahil hindi sa kung ano lang ang maganda sayo. Kundi pati ang kahinaan mo. Mas minahal ko yun. Niyakap para mas mapalapit ka sa puso ko.

Tulad ng ibang relasyon, may unos. Dumating si nanay. Nahati ang oras ko sa inyong dalawa. Pilit ko kinakaya na puntahan ka sa office para makita kita. Yun ang nagbibigay sakin ng inspirasyon. Ng ngiti sa labi. Ng kilig sa puso. Nabawasan ang mga kilig moments dahil sa mall na lang tayo nagkakasama. Sa taxi ko na lamang nahahawakan ang kamay mo.. panakaw pa. Pero kahit ganun un, masaya pa rin ako. Kuntento basta nakakasama kita. Alam ko test yun para satin. Para sakin. Para maging mas maayos tayo sa future. 

Binigyan kita ng sama ng loob. Nagsorry ako. Binigyan kita ng bulaklak. Sana kahit papaano, gumaan ang loob mo. Sorry ha. Akala ko kasi... mga akala... akala na hindi nilinaw. Dun ko naramdaman ang unang paglayo mo sakin. May kirot sa puso. Pero di ko pinansin. Alam ko, maayos din ang lahat. Di ko alam ang nangyari, biglang nagulo ang isipan mo. Sana wala akong nagawang malaking mali para maging ganun ang nararamdaman mo. Ikaw ang laging inaalala ko. Ikaw ang gusto kong mapasaya higit pa sa sarili ko. Lumipas mga araw, lumalamig ang panahon... kasabay ng paglamig ng iyong puso. Anung nangyari? Unti unting lumalaki ang lamat sa puso. Pero di pa din ako sumusuko. Alam ko, tulad ng sinabi mo dati, mahal mo ako. Naramdaman ko iyon. Pero nagpapaalam ka na. Ayaw ko. Kahit masaktan ako, ayaw ko. Gusto kita sa tabi ko. Kahit mag back to zero tayo ok lang sakin. Ang mahalaga sakin, makita ka, makasama ka, mayakap ka at mahalin ka. 

Pero ganun pa man, nilagyan na ng puwang ang closeness natin. Masakit. Pero hindi ang sakit ang binibilang ko. Kundi ang mga pagkakataon na naging maligaya ako sa piling mo. Mahal na mahal kita wifey. Andito lang ako para sayo. Umaasa ako, hindi man ngayon. Sa hinaharap, ikaw pa rin ang makakatuluyan ko. Salamat dumating ka sa buhay ko. 

Ingat ka, tulad ng pag iingat ko sayo...




I LOVE YOU....







2 comments:

Anonymous said...

Sana ma-meet mo siya ulit, jaysome.

Ped

Anonymous said...

Ang bittersweet . :(


-IkoMortensenTan