Tuesday, March 17, 2009

ulan

umuulan

pumapatak ang tubig galing sa mga ulap
tahimik ang paligid
malamig
masarap magtampisaw sa tubig
mabasa
malamigan
maramdaman ang hanging sariwa
pumikit
maramdaman ang halik ng langit
yakapin ng kalikasan
tumakbo kahit madulas ang daan
madapa pero muling bumangon
tumalon sabay ng patak ng tubig galing sa langit
parang awit sa pandinig
ang lagaslas ng tubig
lumipas ang oras
makalimot sa problema
makalimutan ka....

No comments: