Sunday, April 5, 2009

tara mag beach

Summer na
Sarap mag beach
Sarap mag outing
Sarap magpalamig
Sarap mag roadtrip
Sarap magpaikot ikot
Makarating sa maraming lugar
Kaso
Wala naman nag aaya
Walang pera
Puro responsibilidad
Puro luho
Balewala ang pinag ipunan
Walang pinatutunguhan
Minsan naglalango sa alak
sa tanghaling tapat
Sana sa dagat na lamang
duon masaya ang hangin
ang tunog ng alon
ang buhanging humahalik sa ating talampakan
ang mga batong maliit
mga isdang naaanod
mga pagkaing sariwa

Tara mag beach
Dun tayo magpalipas ng gabi
Dun natin pagusapan ang ating mga plano sa buhay
Pagkwentuhan ang mga nakaraan
Duon magtawanan
Tawang malakas
Walang pakialam


Tara mag beach
Maghihintay ako

:)

No comments: