Monday, June 22, 2009

wish

kung may isang bagay na pwede ko hilingin sa buhay ko...
kung may isang bagay na pwede kong ibalik...
isang bagay na pinakananais ko..
yan ay ang makilala ka...
bata pa lang ako, inaasam asam ko na makita ka
makasama...
makalaro...
magturo sakin ng mga aral ng buhay...
naalala ko pa nga..
ang tanging alaala ko sayo...
dalawang bagay..
parehong wirdo..
una, gabi nun... natutulog na ang lahat..
bumukas ang bintana..
pumasok ang napakalakas na hangin..
lumamig ang buong kwarto...
pumasok ka sa bintana..
nakakalipad ka.
nagising ako sa hangin..
nakita kita..
tinawag mo ako.
niyakap
at duon... ako'y iyong inilipad
inilibot sa mundo... napakasaya ko nun...
naramadaman ko ang iyong pagmamahal.
pangalawa.....
sa bahay... 
sa ilalim ng hagdan...
maraming tao
subalit tahimik
bumaba ako..
duo'y nakita ka..
tahimik...
ako'y naluha...
nakita ka...
sa loob ng isang kabaong...
salamat sayo... salamat sa pagmamahal mo...
san ka man ngayon... sana'y maramdaman mo..
di man kita nakilala... mahal na mahal kita...
happy father's day.. tatay...
see you soon.

1 comment:

Anonymous said...

hey your blog design is very nice, clean and fresh and with updated content, make people feel peace and I always like browsing your site.

- Norman