Saturday, August 6, 2011

hays.....



Sakit naman nun.
Pinaasa mo lang ako.
Ako naman si tanga naniwala sayo..
Inayos ko ang buhay ko.
Inilayo ang mga taong gumugulo sa isipan ko.
Gusto ko kasi ikaw lang...
Walang kasabay...
Walang magpapalito sa nararamdaman ko sayo.
Pilit kong inintindi ang mga gusto mo.
Isinantabi ang mga bagay na gusto ko.
Lahat ng yun para sayo.


Lahat ng yun para lang mapangiti kita.
Pilit kong pinigilan ang sarili ko sa mga bagay na alam ko ayaw mo.
Para masanay ako.
Pero kahit ganon, di pa rin sapat.
Kailangan meron ka pa din iba.
Kailangan ba talaga dalawa?
Bakit di ka makuntento?
Ang sakit na kasi...
Ang sakit sakit...
Di ko naman dapat nararamdaman to.
Maraming taong nagmamahal sakin.
Maraming nagpaparamdam...
Maraming gusto magsakripisyo.
Pero di ko alam, natanga ako sayo.
Sana lang di mo pagsisihan to.
At sana dumating din ako sa punto na...
di na pagmamahal nararamdaman ko sayo..
para mas madali kita makalimutan.


1 comment:

Rap said...

waw... ang tindi nito...
matagl na ito, naka moved on ka na siguro...?
love nga naman....