Saturday, August 13, 2011

magsimula at muling magmahal...




Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y napapagod
Nagsasawa
Naghahanap ng kaligayahan
..ng taong magmamahal

















Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y nadadapa at nasusugatan
Natatakot...
Naghahanap ng malalapitan
..ng taong magmamahal
















Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y nagmamahal,
at umaasa na mamahalin.
..ng taong pinaglalaanan nya ng oras












Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y umaasa,
Na siya'y maging masaya,
At mabigyan ng pagkakataon na makasama
ng taong kanyang minamahal...





Dumadating sa buhay ng tao
Ang matinding lungkot
Ang dagok ng buhay,
Subalit patuloy na nagmamahal
















Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y susuko,
dahil sa sakit na nararamdaman...
Dahil sa siya ay nagmahal sa maling tao.












Dumadating sa buhay ng tao
Na siya'y magpapaalam,
Lalayo,
Dala ang pag-asang muling lumigaya,
At muling magmahal




















Dumadating sa buhay ng tao
Ang taong minamahal
at ang taong sa kanya'y magmamahal
Duo'y maibabalik ang ngiti,
Muling magsisimula,



...at patuloy na magmamahal



2 comments:

Anonymous said...

Naroon ako sa tabi ng ilog,
puno ng lumbay.
Ang Buwan ay nasa tubig
at ang tubig ay nasa langit.
Ang dating kapiling sa pagtanaw
ay wala na sa tabi.
Ngunit ganun pa man,
ang paligid ay ganun pa rin.

..thanks jay for this blog. may mga bagay kasi nakakatakot gawin ulit lalo na kung hindi lang isang beses nagmahal sa maling tao. but after i read this and see the pictures, manalig lang sa hiwaga ng pag-ibig dahil may nakalaan sa isa't isa sa atin.

-jeitz-

Jay said...

thanks bro.. i like ur comment