Sunday, August 21, 2011

Mga tanong na walang kasagutan...

Palagi ko naiisip,
Bakit kaya ganun?
Medyo matagal tagal na din kasi...


Tanong na palagi sumasagi sa isipan ko.
Nasa akin na siguro ang problema.
Pero ano?
Palagi ko iniisip,
I have changed nga daw sabi ng ex ko.
Ang dating passive at di sweet na ako,
Nagbago...
Despite na binago ko, bakit parang ganun pa din?


Mahirap magmahal pero masakit ang di mapansin.
Masarap mag effort para sa kanya,
Pero masakit ang di maappreciate.


Parang sasabog ang ulo ko.
Ayoko na sana mag isip.
Gusto ko lang naman ng makakasama.
Pero palaging may mali.


















Gusto kita, ayaw mo ako,
Ano gagawin ko?
Ang dali naman mag move on eh,
Kaso bakit masyadong madalas maulit?
Since 2009, di na ko mkabuo ng isang relasyon.


Anong mali?
Anong dapat baguhin?
Anong dapat gawin para maayos.


Sana dumating ka na...
pero sana, wag mo ko sasaktan....


Sa mga oras na ito,
Ang mga tanong na ito;y pilit nagsusumigaw sa isipan ko.
Kung pwede lang sana i off ang utak kahit sandali.
Kung pwede lang ihinto ang oras.
Kung pwede lang ang puso, mamanhid.


Sana.... makita ko na ang sagot...






2 comments:

Anonymous said...

tinamaan ako....galing!

Rap said...

hi!!
napadaan lang sa blog moh...
at hmm. yeah, tinamaan din ako ah.. ahaha

"Masarap mag effort para sa kanya,
Pero masakit ang di maappreciate."

---> shet! tama!
kala ko magtatagal kami, pero iniwan nya ako ng walang pasabi... so sad.. ahaha...

new follower here!